Nanindigan ang Department of Health Pangasinan na ligtas ang bakunang itinuturok laban sa COVID-19 matapos ang lumabas na isyu ng di umano’y expired na moderna vaccine ang naiturok sa Dagupan City.
Ayon kay David Aviles, Development Management Officer IV, Regional Pharmacist, ang bakunang moderna na naiturok ay pasok pa sa shelf life na hanggang siyam na buwan.
Aniya, pinahihintulutan ng FDA ang pag extend ng shelf life ng bakuna dahil nakikita sa kanilang pag-aaral na mataas pa ang efficacy nito.
Ayon naman sa City Health Office ng Dagupan, ang pasyenteng nakatanggap ng nasabing bakuna ay nakaranas ng ‘slight pain’ kung saan ito itinurok.
Paliwanag ng CHO, normal ito sa mga taong natuturukan ng bakuna at sinigurong wala itong malalang epekto sa taong tumanggap nito.
Sa ngayon, ipagpapatuloy ng health authorities ang kanilang kampanya upang hindi maapektuhan ng naturang isyu ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa probinsya. | ifmnews
Facebook Comments