DOH, pinayuhan ang mga deboto na lumahok sa Traslacion 2021 na mag-home isolate; mga sintomas ng COVID-19, mahigpit na bantayan!

Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga debotong pumunta kahapon sa kapistahan ng Itim na Nazareno na magsagawa ng home isolation at mahigpit na bantayan ang kanilang sarili kung posibleng makaranas ng mga sintomas ng COVID-19.

Ito’y matapos i-report ng DOH kay Manila City Mayor Isko Moreno ang umano’y siksikan sa Quiapo Church.

Base sa inilabas ng DOH na listahan ng mga dapat gawin upang masiguro na ikaw at ang iyong pamilya ay ligtas mula sa COVID-19.


Ito ang mga sumusunod:

Una, obserbahan ang sarili para sa paglitaw ng mga na sintomas tulad ng mga lagnat, ubo, panghihina, pagkawala ng panlasa at pang-amoy, pananakit ng katawan at ulo, pananakit ng lalamunan, baradong ilong, pamumula ng mata, pagtatae at pamamantal ng balat.

Bunga nito, agad na mag-isolate at makipag-ugnayan sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) kung sakaling magkaroon ng sintomas.

Maaaring tawagan ang mga hotlines na (02) 894 – 26843 o 1555 para sa lahat ng subscribers.

Dagdag pa, maaari ring tumawag sa One Hospital Command Center sa mga numerong (02)-886-505-00, 0915-777-7777 at 0919-977-3333.

Pangatlo, iwasang makipagsalamuha sa ibang tao lalo na sa mga matatanda at vulnerable na kasama sa bahay.

At sa huli, limitahan ang movement at kung maaari ay manatili sa hiwalay na silid.

Samantala, para sa mga lokal na pamahalaan ay dapat ay agarang deteksyon ang susi at aktibong i-monitor ang mga constituents na nagpunta sa Quaipo at nakipagdaos ng Translacion.

Patuloy rin na ipatupad ang MPHS at active surveillance.

Facebook Comments