Isa ito sa mga mensahe ni Pangilinan sa ginanap na virtual 9th Town Hall Meeting 2022 kaninang umaga, Disyembre 14, 2022.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Firecrackers Injury Prevention Month ngayong buwan ng Disyembre.
Ayon kay Pangilinan, bagama’t nakagawian ng mga Pilipino ang masaya at maingay na pagdiriwang ng pasko at bagong taon, madami ding ligtas na pamamaraan upang ipagdiwang ang mga espesyal na okasyon na ito.
Aniya, sa halip na gumamit ng mga paputok na hindi ligtas ay maaaring gamitin ang mga bagay tulad ng kaldero, tambourine, busina ng sasakyan, speakers bilang alternatibong pampaingay sa bagong taon upang maiwasan ang mga insidente ng Firecrackers-related injuries ngayon at sa taong 2023.
Batay sa report ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), mayroong 36 firecrackers-related injuries sa rehiyon dos ang naitala noong Disyembre 31, 2021 hanggang Enero 6, 2022.
Ito ay 177% mas mataas kumpara sa kaparehas na period noong Disyembre 31, 2020 hanggang Enero 6, 2021.
Batay sa datos, nangunguna ang probinsya ng Isabela na may 50% na sinundan ng Cagayan na may 44% firecrackers-related injuries.
Mayorya naman sa mga biktima o 97% ang nagtamo ng blast burn injury karaniwan sa kamay at mata na hindi naman kinakailangan ng amputation.
Karamihan din umano sa mga biktima ay active case users o mga na injured habang naghahawak o nagsisindi ng mga paputok tulad ng kwitis, boga at loses.
Samantala, mayroon ding kabuuang 13 na sunog na sanhi ay mga paputok batay sa datos ng Bureau of Fire Protection Region 2 noong Disyembre 25, 2021- Enero 1, 2022 kung saan isang taong gulang na bata ang namatay.
Ayon sa BFP, kwitis umano ang kalimitang mitsa ng sunog.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng mga ahensya ang publiko na obserbahan ang ligtas na pagdiriwang ng mga okasyon gaya ng pasko at bagong taon upang maiwasan ang anumang insidente.