SOLO PARENTS, BARANGAY TANOD, DRIVERS AT SENIOR CITIZENS, BINIGYAN NG AYUDA

Tumanggap ang mga Solo Parents, Barangay Tanod, Drivers at Senior Citizens sa bayan San Pablo, Isabela ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan.

Nagsimula ang pamamahagi ng tulong sa mga natukoy na benepisyaryo kahapon, Disyembre 13, 2022 na nagpapatuloy ngayong araw.

Kasama sa proyekto ay ang pag pamper sa mga Senior Citizens gaya ng libreng gupit, manicure at pedicure.

Ang programa ay proyekto ni Mayor Jojo Miro at Vice Mayor Anjo Miro na naglalayong kilalanin ang kontribusyon ng mga manggagawa sa pag-unlad ng bayan.

Ayon pa sa mga punong bayan, ang aktibidad ay isa ring paraan upang mabigyan pansin ang mga Senior Citizens na kalimitang hindi na nabibigyan ng sapat pansin.

Ayon sa lokal na pamahalaan, makakaasa ang mga residente na magpapatuloy pa ang mga ganitong programa dahil na rin sa suporta na ibinibigay nila sa LGU.

Facebook Comments