DOH-RITM REPRESENTATIVE BUMISITA SA AKLAN TESTING LABORATORY, VALIDATION AT ASSESSMENT ISINAGAWA

Kalibo, Aklan – Nagsagawa na ng validation at assessment ang Department of Health – Research Institute for Tropical Medicine DOH-RITM sa Molecular Testing Laboratory sa lalawigan ng Aklan. Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. Provincial Health Officer 1 ng PHO-Aklan ang validation at assessment na isinagawa ng DOH- RITM ay ang final stage umano bago nila ito bibigyan ng accreditation. Hinihintay na lang aniya ngayon ng PHO-Aklan ang go signal mula sa DOH-RiTM kung pwedeng nang magproseso ng corona virus disease COVID-19 tests ang Aklan Molecular Testing Laboratory kung saan nakahanda na rin umano ang mga trained medical technologists. Sa ngayon aniya ayon kay Dr. Cuachon ang specimen samples mula Aklan ay dinadala pa sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City para isailalim sa reverse transcription – polymerase chain Reaction RT-PCR examination kung saan matagal pa bago lumabas ang resulta. Kung mag magsimula na aniya ang operation ng Aklan Molecular Testing Laboratory with RT-PCR ay kaya na umanong malaman kaagad ang resulta ng mga specimen samples na ipoproseso nito sa loob ng 24 oras. [image: Image may contain: 1 person, text] 0 People Reached 0 Engagements Boost Post <www.facebook.com/ad_center/create/boostpost/?entry_point=new_timeline&page_id=1049153941799762&target_id=3103104946404641&__cft__[0]=AZW27iBhfA0my2rqWIEL5ZYwtWG5Uu7G7jE-iW47OcUX-Z_9lOVqs1FT-vhfzl8ZCmBeloBV6Ndb2ORwPTkF32rFOGGxl8nQkE0ojHQj7IFw5fXFkutJcEZxscd9maArQM7wbGEHucY7wdWhM9Gw3gKA&__tn__=*W-R> <www.facebook.com/rmndykrkalibo1161/?__cft__[0]=AZW1APWS36kxLw1v_fRZPYfs70E_Oez3cBPYdoCjHEXB678fBybPsQqOGZ9wnCR-gpnbWPo3iF4_Rt3EYm8g0-_WncQltkXyCmEAYkr3l-zyEPcPYkR32hhP-2H8nDi9vTQrRt-s5e8YavJgggq2U4IL8hv2eeJaY9TtVfz0EJpBhfisMFtcNZ-IoM9UlGElq58&__tn__=%3C%2CP-R>

Facebook Comments