
Mas lalo pang pinalawak ng Department of Health o DOH ang mga hakbang nito para malabanan ang sakit na tuberculosis sa bansa.
Kaugnay nito, tututok ang DOH sa pagsusuri ng nasa 12-milyong Pilipino mula sa banta ng TB sa susunod na taon.
Ito’y sa pamamagitan ng mga programang Philippine Strategic TB Elimination Plan at Philippine Acceleration Action Plan for Tuberculosis 2023-2035.
Una nang pinalakas ng DOH ang pagpigil sa pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng mas maiksing proseso ng pagsusuri at pagsasagawa ng contact investigation na nagresulta sa mas maraming sumailalim sa Tuberculosis Preventive Treatment noong 2024.
Kabilang din sa mga mino-monitor ng DOH ang mga kaso ng TB na hindi na tinatablan ng kasalukuyang gamot.
Sinabi naman ni DOH Sec. Teodoro Herbosa, may mga hakbang na rin para sa modernong pagsusuri at gamutan sa sakit na TB.









