DOJ, bubuo ng grupong tututok sa vote buying

Bubuo ang Department of Justice (DOJ) ng grupo na tututok sa bilihan ng boto sa nalalapit na halalan.

Ito ay bilang suporta sa inter-agency task force na binubuo ng Commission on Elections (COMELEC) kontra vote buying.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kabilang sa magiging miyembro ng grupo ay mula sa National Prosecution Service, NBI, Public Attorney’s Office at DOJ Action Center.


Sinabi ni Guevarra na partikular na babantayan ng grupo ang nalalabing 40 araw ng kampanya.

Facebook Comments