Mga tauhan ni Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Disono, nakipagbarilan sa mga pulis

Naka-cordon ngayon ang bahay ni Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Disono.

Kinordon ito ng mga pulis matapos na lampasan ang police checkpoint at paputukan ang mga pulis sa checkpoint area ng mga sakay sa sasakyan ni Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Disono bago dumiretso sa bahay nito.

Batay sa ulat ng PNP Cordillera Administrative Region alas-10:30 ng umaga kanina nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga pulis sa Brgy. Poblacion, Pilar, Abra at nang i-flagged down ang puting Toyota Hi-Ace sakay ang mga hindi matukoy na indibidwal.


Hindi ito huminto sa halip humarurot kaya hinabol sila nang mga pulis at ang matindi ay pinaputukan sila ng mga sakay kaya gumanti sila ng putok.

Hindi tinantanan ng mga pulis ang sakay ng sasakyan ng vice mayor kaya natukoy na dumeretso ito sa bahay ng bise alkalde.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Facebook Comments