
Nanindigan ang Department of Justice na wala pang inilalabas na ‘warrant of arrest’ ang International Criminal Court (ICC) para kay Sen. Bato dela Rosa.
Sa press briefing sa Taguig City ngayong umaga, sinabi ni Chief State Counsel Dennis Arvin Chan na wala pa silang natatanggap na kopya ng naturang dokumento mula sa ICC.
Gayunman, iginiit ng Justice Department na susunod ang pamahalaan sakaling maglabas ng warrant ang International Criminal Court (ICC).
Sa ngayon, wala pa raw silang natatanggap na opisyal na dokumento ng arrest warrant na manggagaling sa Department of Foreign Affairs at Philippine Center on Transnational Crime.
Facebook Comments









