Magta-transmit ngayong araw ang DOJ sa DILG ng nilinis na listahan ng mga Person Deprived of Liberty na napalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance Law.
Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, layon na maiwasan ang mistaken identity at matiyak na ang aarestuhin ay ang mga presong totoong napalaya dahil sa GCTA.
Kailangan din aniyang matiyak na hindi masasayang ang resources ng gobyerno sa pagtugis sa maling PDL.
Sa ngayon, 1,025 na PDLs na ang sumuko.
Magsisimula naman ang manhunt operation sa mga hindi pa sumusukong PDLs mamayang hatinggabi sa pagtatapos ng labing-limang araw na deadline ng Pangulong Duterte.
Facebook Comments