DOJ, nakikipag-ugnayan na sa Chinese Embassy para sa deportation ng Chinese illegal POGO workers

Sinimulan nang makipag-usap ng Department of Justice (DOJ) sa Chinese Embassy para sa pag-usad ng deportation sa Chinese illegal POGO workers sa bansa.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, nakausap na niya si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian hinggil dito.

Bukas, makikipagpulong si Remulla sa iba pang mga opisyal ng Chinese Embassy para sa maayos na deportasyon ng Chinese POGO workers.


Nagbigay naman aniya ng katiyakan ang Chinese envoy na tutulong sila sa smooth deportation procedures.

Tinatayang 40,000 Chinese POGO workers ang iligal na naninirahan sa bansa samantalang 216 naman ang bilang ng iligal na POGO sa bansa.

Facebook Comments