DOJ, PNP-CIDG at NBI, makikipagpulong sa mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero

Magkakatuwang na pupulungin ng Department of Justice (DOJ), Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero.

Layon nitong i-update ang pamilya ng mga nawawalang sabungero hinggil sa ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Una nang sinabi ng PNP-CIDG na inihahanda na nila ang kasong kidnapping laban sa 2 suspek na nakita sa “secret cellphone video” na sangkot sa pagdukot sa isang sabungero sa Laguna.


Ayon kay PNP-CIDG Spokesperson Maj. Mae Ann Cunanan, isasampa nila ang naturang kaso laban sa isang alyas Dondon at isa pang lalake sa DOJ.

Nangangalap na lamang sa ngayon ang CIDG ng mga karagdagang ebidensya laban sa 2 suspek para maging airtight ang isasampang kaso.

Dahil kasi sa video, natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na positibong kinilala ng kaniyang asawa at kapatid na si Michael Bautista na nawala sa isang sabungan sa Santa Cruz, Laguna noong April 28, 2021.

Facebook Comments