DOJ Secretary Remulla, dadalo sa ikatlong Senate hearing kaugnay sa pag-aresto kay FPRRD

Nakatakdang dumalo si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa susunod na pagdinig ng Senado kaugnay sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ng kalihim matapos sabihin kanina ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na ilang cabinet officials ang pinayagang dumalo sa susunod na pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations.

Idinahilan ang executive privilege at posibleng paglabag sa sub judice rule kaya no show sila sa pagdinig ng Senado noong nakaraang linggo.


Sa pagharap ni Remulla noon, iginiit niya na hindi isinnuko si Duterte sa International Criminal Court kundi sumunod lamang sila sa International Humanitarian Law.

Inaresto si Duterte noong March 11 sa bisa ng warrant of arrest mula sa ICC at kinagabihan ay dinala rin sa The Hague, Netherlands.

Itinakda sa Huwebes, April 10 ang ikatlong pagdinig ng Senado.

Facebook Comments