DOJ, tumangging patulan ang patuloy na patutsada ni Atty. Rico Quico sa pagkakabasura ng reklamo laban kay Senator Koko Pimentel sa isyu ng quarantine protocols violation

117

Tumanggi si Justice Secretary Menardo Guevarra na patulan ang pagtawag ni Atty. Rico Quicho sa Department of Justice (DOJ) ng “Department of Injustice”.

Kasunod ito ng resolusyon ng investigating prosecutor na nagbasura sa reklamong paglabag sa quarantine protocols na inihain ni Quicho laban kay Senator Koko Pimentel.


Ayon kay Guevarra, entitled si Atty. Quicho sa kanyang sariling opinion at hindi sila magpapaapekto sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Aniya, tuloy ang kanilang pagtupad sa kanilang misyon na mabigyan ng katarungan ang lahat ng Pilipino

Una rito, sinabi ni Atty. Quicho na hindi pa niya masabi kung maghahain siya ng motion for reconsideration sa DOJ dahil wala pa siyang hawak na kopya ng resolusyon at blangko pa siya sa nilalaman nito.

Facebook Comments