Isang binata, nahulihan ng iligal na droga matapos mahuling hindi nagsusuot ng face mask sa Marikina City

35

Kalaboso ang isang binata matapos mahulihan ng pinaghihinalaang shabu sa Kabayani Road Purok 1, Brgy. Malanday, Marikina City.

Kinilala ang suspek na si Benjie Basilio Mallari, alyas “Benjie”, 28-anyos.


Ayon sa pahayag ng mga tanod na sina Darwin Diaz at Haji Liwanag ng Sub-Station 4, Brgy. Malanday, Marikina City, nagsasagawa sila ng pagpapatrolya ng mamataan nila ang suspek na hindi nagsusuot ng face mask sa kahabaan ng Libis Bulelak, Brgy. Malanday Marikina City nang komprontahin ay agad na mabilis tumakbo ang suspek kaya’t kanila itong hinabol hanggang sa masakote sa Kabayani Road, Malanday, Marikina City.

Narekober sa suspek ang humigit-kumulang 0.5 gramo ng nagkakahalaga ng P4,400.

Paglabag sa RA 11332 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments