Pagpapaluwag sa ipinatutupad na age restriction sa lungsod ng Maynila, pag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan

31

Inihayag ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na pag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan ang pagpapaluwag sa ipinatutupad na age restriction sa mga maaaring lumabas ng tahanan.

Ito’y kasunod ng panukala ng IATF na payagan nang lumabas ang mga batang nasa edad 10 taong gulang pataas sa mga lugar na nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ).


Ayon kay Moreno, kinakailangan pa rin ng masusing pag-aaral kung kinakailangan ba talagang palabasin ang mga bata lalo na at nasa GCQ ang lungsod ng Maynila.

Aniya, kung siya ang tatanungin, mahalaga ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagpapalaganap ng impormasyon kontra COVID-19.

Giit ng alkalde na lumalabas sa datos ng Manila Health Department, malaking bahagi ng bilang ng tinatamaan ay pawang mga kabataan kung kaya’t mas nais niya na manatili na lamang ito sa kani-kanilang tahanan.

Muli ring panawagan ni Mayor Isko sa bawat Manileño ang kooperasyon lalo na sa mga ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan upang maiwasan na lumobo ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.




Facebook Comments