DOLE, naglabas ng ventilation guidelines sa mga establisyimento at pampublikong transportasyon

36

Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng bagong guidelines sa workplace at public transportation para sa mas maigting na health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Batay sa Department Order 224-21 na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III, dapat mas maobserbahan ang tamang bentilasyon sa mga pribadong establisyimento at mga pampublikong transportasyon.


Kasama rin sa bagong guidelines ang installation at utilization ng exhaust fans sa indoor workplaces, restrooms at water closets; ventilation sa air, rail, land at sea transport.

Nakapaloob din sa guidelines ang pagkakaroon ng natural ventilation sa non-air-conditioned spaces sa pintuan, bintana at iba pang labasan ng hangin.

Facebook Comments