Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipino sa Ukraine sa gitna ng pagsiklab ng kaguluhan bunsod ng pag-atake ng Russia.
Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, naging maayos ang paghahanda ng mga awtoridad sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa paglilikas ng mga Pinoy sa Ukraine.
Aniya, inabisuhan ang mga Pilipino na magtungo sa Lviv kung saan nakaabang ang mga tauhan ng embahada na tutulong sa kanila na tumawid sa Poland.
Dagdag pa ni Bello na karamihan sa mga Pilipino doon ay napagpasyahan lamang na tumawid sa kalapit na bansa kung saan ligtas dahil marami doon ay kasama ang kanilang pamilya.
Samantala, tiniyak din ng kalihim na walang magiging problema kung may mga Pilipinong nais umuwi sa Pilipinas.