Pangunahing makikinabang ang mga magsasaka ng citrus sa lalawigan at iba pang pang bahagi ng rehiyon sa pagtatatag ng isang Artificial Intelligence (AI) processing facility para sa mga produktong pang-agrikultura, pangunahin ang paggawa ng citrus jam at purée na may formulation na nagmumula sa teknolohiya ng Japan.
Kaugnay nito, ibinahagi ni G. Roderick Mariano, Chairman ng QMansi at benepisyaryo ng DOST SETUP, ang mga pagkakataon para sa lalawigan.
Aniya, ang Tokushima Auction Market ay nakasentro sa 20 million jars production kada buwan ng citrus jam katumbas ng 350,000 kada araw.
Ito ay rin ay may kabuuang 3,500 metric tons ng kalamansi kada buwan kung saa ang dami ng produksyon na ito ay nangangailangan ng hindi bababa sa 5,000 ektarya ng citrus land.
Kabilang sa mga dumalong delegado ang Presidente at CEO ng Tokushima Auction Market, Japan na si G. Yoshihisa Arai, Dr. Kazuo Hara, Chairman ng Japan Medical Association at G. Amin Javadi, Economic Section Head, Iran Embassy to the Philippines.