DOT, pinapayagan na ang staycation sa NCR+ at ‘P2P’ air travel

39

Pinapayagan na sa NCR plus bubble ang staycations sa point-to-point air travel.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Undersecretary Benito Benzon, nasa 13 hotel sa NCR na may 5,986 total room capacity ang pasok sa kanilang requirements.


Nabigyan sila ng certificate of authority to operate.

Ang 13 hotel sa NCR na pinapayagan para sa staycations ay ang sumusunod:

1. Okada Manila Hotel
2. Shangri-la at the Forts
3. Grand Hyatt Hotel
4. Joy Nostalg Hotel & Suites Manila
5. Nobu Hotel
6. EDSA Shangri-la Manila
7. Hyatt Regency and
8. Nuwa Hotel of City of Dreams
9. Solaire Resort
10. The Peninsula Manila
11. Aruga by Rockwell
12. Hilton Manila, and
13. Sheraton Manila Hotel

Dagdag pa ni Bengzon, pwede na rin ang P2P leisure air travel papasok at palabas ng NCR Plus sa mga accommodations na nabigyan ng certificate of authority to operate.



Ibig sabihin, maaari lamang i-avail ito sa pamamagitan ng chartered flight.


Ang mga hakbang na ito ay makakatulong para makabawi ang industriya ng turismo sa bansa.

Facebook Comments