DOTr, planong maglunsad ng Centers for Commuters Affairs

Manila, Philippines – Planong maglunsad ng Center for Commuters affairs ang Department of Transportation na posibleng magsimula sa susunod na buwan.

Sa interview ng RMN kay Elvira Medina, Presidente ng National Council for Commuters Safety and Protection, napag-usapan nila ni DOTR Secretary Arthur Tugade na gawin na lamang nilang Center for Commuters Affairs Office ang dating Action Center ng Kagawaran.

Ang nasabing tanggapan ay makakatulong sa mga commuters para idulog ang kanilang mga problema sa mga pasaway na driver ng mga public utility vehicles.


Samantala, nabanggit rin ni Medina na isa rin sa napag-usapan nila ni Secretary Tugade na dapat ay may management training din ang mga operators bukod sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan.

Ang nabanggit na Management Training ay kaugnay sa ilulunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na drivers academy na siyang sasala sa mga drivers kung saan titingnan kung maari nga ba silang magmanheho ng pampublikong sasakyan.

Giit pa ni Medina na positibo siya na magiging maganda ang resulta ng drivers academy ng LTFRB na sisimulan na ngayong buwan.
DZXL558

Facebook Comments