DOTr Sec. Tugade, negatibo sa COVID-19

Nagnegatibo sa COVID-19 si Transportation Secretary Arthur Tugade.

Ito ang kinumpirma ni DOTr ASEC. Goddes Hope Libiran.

Pero ayon kay Libiran, sasailalim pa rin sa precautionary measures ang Kalihim habang nagtatrabaho para sa bansa.


Matatandaang boluntaryong sumailalim sa self-quarantine si Tugade matapos na may makasalamuhang indibidwal na positibo sa COVID-19.

Nangyari, aniya, ito nang mag-inspeksyon sila sa North Luzon Expressway Harbor Link C3-R10 Section noong March 5 na dinaluhan din ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagnegatibo rin sa COVID-19 sina Pangulong Duterte at Senador Bong Go.

Facebook Comments