DPWH, iimbestigahan na rin ang Monterrazas at Cebu flood control project mula taong 2016

Pinag-aaralan na rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng imbestigasyon sa The Rise at Monterrazas kasunod pagbaha sa Cebu sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Tino.

Isinisisi kasi sa mountainside residential project ang malawakang pagbaha sa probinsya.

Kabilang sa mga matinding binaha sa pagtama ng Bagyong Tino ang mga lungsod ng Danao, Cebu, Mandaue at Talisay at mga bayan ng Liloan, Compostela at Consolacion.

Naniniwala si Dizon na kapag ang isang proyekto ay nakakasama sa kalikasan lalong-lalo na sa mga watershed na pumoprotekta sa mga waterways ay dapat nakakuha muna ng permiso sa DENR at Environmental Management Bureau (EMB) bago itinayo.

Isinisi rin ni Dizon sa maling pagpaplano at maling pagpapatayo kaya’t palpak ang flood control systems ng probinsya.

Una rito, sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang imbestigasyon sa flood control projects sa Cebu mula 2016 hanggang 2025.

Kasunod na rin ito ng pagbaha sa ilang lugar sa kasagsagan ng Bagyong Tino na ikinamatay ng halos 200 katao.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, katuwang nila ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) sa pag-iimbestiga sa proyekto simula 2016 hanggang 2024 at 2025.

Facebook Comments