Drawing ni Eddie Garcia sa isang tissue, viral

Image via Paul Tindugan on Facebook

Viral ang drawing ni Paul Tindugan kung saan iginuhit niya sa isang tissue ng fastfood chain ang yumaong beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Sa kaniyang post nitong Hulyo 5, agad na kumalat sa social media ang kaniyang drawing. Hinangaan naman ng mga netizen ang kaniyang galing sa pagguhit.

Naiguhit din ni Paul si Isko Moreno, mayor ng Maynila. Gumuguhit din siya ng iba pang portrait tulad ng kaniyang mga mahal sa buhay, maski ang kaniyang sarili.


Mayroon din siyang group fanpage tulad ng Catanduanes Artists kung saan makikita ang kanilang charity projects.

Pumanaw si Eddie Garcia nitong Hunyo 20 nang matapilok sa taping sa isang kable na naging sanhi ng kaniyang comatose.

Gusto ring ipasa ni Mikee Romero, representative ng Pacman partylist, sa kongreso ang Eddie Garcia Law, na naglalayon na mabigyan ng proteksyon ang kalusugan ng mga artista habang nagt-taping o nasa set.

Sa kasalukuyan, ang post ni Paul ay mayroong 34,000 reactions, 1,500 comments at 16,000 shares.

Facebook Comments