Cauayan City, Isabela- Tumatanggap na ng mga aplikante ang pamahalaang panlungsod ng Ilagan para sa libreng Dressmaking NC II Training.
Dalawampu’t limang (25) trainees o enrollees na Ilagueño ang kinakailangan para sa libreng pagsasanay sa ilalim ng Manpower Skills Training Program (MSTP) katuwang ang TESDA-Isabela and TESDA-ISAT.
Kinakailangan lamang na 18 taong gulang pataas at highschool o College graduate.
Para sa mga nais mag-apply, magtungo lamang sa Special Projects Office o City Mayor’s Office mula sa oras na alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon sa araw ng Lunes hanggang Biyernes.
Magsisimula ang klase sa December 1, 2020 na gaganapin sa TESDA-ISAT ng Calamagui 2nd sa naturang Lungsod.
Ang MSTP ay inisyatibo at ideya ni City Mayor Jay Diaz na nagsimula pa noong taong 2001.