Hindi ang pasaherong lalabag sa “No vaccination, No ride” policy ng Department of Transportation (DOTr) ang mapapatawan ng multa kung hindi ang driver at operator ng sasakyan.
Ayon kay DOTr Road Transport Sector Assistant Secretary Mark Steven Pastor, maaaring pagmultahin ng P1,000 hanggang P10,000 ang mga driver at operator at posibleng masuspinde ang prangkisa nito depende sa kautusan na kanilang nilabag.
Aniya, responsibilidad ng mga tsuper at operators na tiyaking nasusunod ng mga pasahero ang health at safety protocols.
Dagdag pa ng DOTr na hindi na sakop ng ordinansa ng ahensya ang mga pasahero kaya hindi sila mapapatawan ng multa.
Gayunpaman, hindi pa rin lusot ang pasahero dahil mapaparusahan pa rin ito kung mayroong umiiral na kautusan ang lokal na pamahalaan tungkol sa paglilimita ng galaw ng mga taong hindi pa bakunado laban sa COVID-19.