Andrea Brillantes at Francine Diaz, friendship over na nga ba?

92

Hot topic sa social media ang Gold Squad members na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz matapos mapansin ng mga netizen na naka-unfollow sa isa’t isa sa Instagram ang dalawa.

Ito ay kasunod ng pagkalat ng family pictures ni Francine kasama ang katambal ni Andrea na si Seth Fedelin.

Ayon sa mga ulat, magkasama raw kasi sina Francine at Seth na nag-celebrate ng New Year kung kaya’t nagkaroon ng haka-hakang may namumuong espesyal na ugnayan ang dalawa.


Dahil umano dito ay in-unfollow raw ni Andrea si Francine at makalipas ng ilang oras ay muli nag-follow si Andrea sa kaibigan.

Marami ang nag-akala na baka napindot lang o di kaya’y glitch lang sa Instagram ngunit makalipas ang ilang oras ay makikitang kahit si Francine ay naka-unfollow na rin kay Andrea.

May mga hugot din daw ang mga naging IG story ni Andrea pati na rin ang ilang TikTok videos nito.



Maging sa TikTok ay makikitang hindi na connected ang dalawa sa isa’t isa.

Sa ngayon ay nananatiling tahimik ang tatlo hinggil sa isyu.


Facebook Comments