
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakakulong na ang Saudi national na driver na nakabundol sa tatlong Filipino nurses sa Tabuk City, Saudi Arabia.
Ayon sa DMW, nagtangka pang tumakbo ang driver pero nahabol ito ng ibang mga motorista.
Nagpadala na ang Migrant Workers Office (MWO)-Jeddah ng team sa Tabuk para mag-assist sa mga biktima sa ospital, pulis, at sa employer.
Ang mga biktimang Pinoy nurses ay nagtatrabaho sa isang malaking clinic sa Tabuk City.
Isa sa mga biktima ang nasawi habang ang dalawang iba pa ay malubhang nasugatan.
Nabatid na humaharurot ng takbo ang driver nang mabundol nito ang Pinoy nurses habang tumatawid mula sa isang mall.
Facebook Comments










