Saturday, May 9, 2026

𝗜𝗡𝗧𝗘𝗟𝗟𝗜𝗚𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗜𝗡𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗖𝗘𝗗𝗘𝗦 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Cauayan City – Palalakasin pa ng pamunuan ng Reina Mercedes Police Station ang kanilang intelligence monitoring kasunod ng pagkakaaresto ng isang lalaking naaktuhang nagpaputok ng baril sa kanilang bayan nitong ika-7 ng Mayo.

Sa panayam ng IFM News Team kay Police Major Danilo Malab Jr., hepe ng Reina Mercedes Police Station, sinabi nito malaking tulong ang intelligence monitoring ng kapulisan pagdating sa pagkakadakip ng mga indibidwal na sangkot sa kriminal na aktibidad.

Ayon sa hepe, maliban sa ipinatutupad nilang police visibility ay mayroon ring silang covert operations na pinangunahan ng mga intelligence operatives.

Layunin ng operasyong ito na manmanan ang mga kaganapan sa komunidad upang makita kung sino ang mga indibidwal na gumagawa o mayroong intersyong gumawa ng krimen.

Maliban dito, katuwang rin nila ang mga force multipliers na siyang nagbabato ng mga kaganapan at impormasyon sa kani-kanilang mga lugar.

Sa pamamagitan ng intensified intelligence monitoring, naniniwala ang hepe na mas magiging epektibo ang kampanya ng kapulisan kontra ilegal na aktibidad sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments