
Nagsagawa ng tatlong araw na youth camp ang Pangasinan 1st Provincial Mobile Force Company katuwang ang SK Federation of Alaminos City upang palakasin ang kamalayan ng mga kabataan laban sa ilegal na droga sa Brgy. Sabangan, Alaminos City, Pangasinan.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng programang “Kabataan Iwas Droga: Pulis Ko, Gabay Ko” Youth Camp 2026 kung saan sumailalim ang mga kalahok sa iba’t ibang physical at mental challenges na naglalayong hubugin ang kanilang disiplina, kritikal na pag-iisip, pagtutulungan, at kakayahang manatiling kalmado sa ilalim ng pressure.
Bahagi rin ng programa ang obstacle-based challenges kung saan isinabuhay ng mga kalahok ang mga natutunan nila mula sa mga lecture at demonstration ukol sa drug prevention at youth development.
Sa pagtatapos ng aktibidad, pinagkalooban ng sertipiko ang mga kalahok bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok sa youth camp. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









