Driver’s license na may limang taong validity, ilalabas na ngayong araw

Manila, Philippines – Sisimulan na ngayong araw ng Land Transportation Office (LTO) ang pamamahagi ng driver’s license card na mayroong five-year validity.

Ipapamahagi ang mga bagong lisensiya alas-8:30 ng umaga, sa LTO Central Office sa East Avenue, Quezon City.

Ayon sa LTO, natapos na ang pag-iimprenta ng mga lisensiya na gawa sa polycarbonate plastic kung saan mas mahigpit na ang security features.


Makakakuha ng mga bagong lisensiya ang mga nag-apply o nag-renew ng kanilang mga driver’s license mula October 17, 2016.

Pinag-aaralan naman ng LTO na bumuo ng online application portal para sa mga driver na gustong mag-renew ng lisensiya at walang record ng paglabag sa anumang batas trapiko.

Facebook Comments