Korean American na suplayer ng party drugs at shabu, hahawakan muna ng NBI

Manila, Philippines – Napasakamay na muli ng mga otoridad ang tumakas na puganteng si Jun No, isang Korean-American na nagsusuplay ng shabu at party drugs sa Cebu at Metro Manila.

Naaresto ang high value target sa Zamboanga City sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Emosyonal namang humingi ng tawad ang suspek.


Ayon kay Atty. Jonathan Galicia ng NBI task force on illegal drugs – patakas na si No papuntang malaysia nang ito’y masakote.

Narekober kay No ang isang pekeng pasaporte na ginamit no para makapasok sa Zamboanga.

Sinabi naman ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin – pansamantalang iko-kustodiya muna nila si No.

Sasampaha ng kaukulang kaso ang ilang tao na tumulong sa pagtakas kay No.

Nabatid na nakatakas si No sa East Avenue Medical Center nitong April 15 matapos ma-operahan dahil sa acute appendicitis.
DZXL558

Facebook Comments