Drug Suspect patay sa operasyon sa Cotabato City, 13.6 Million Pesos na shabu nakumpiska!

Patay sa operasyon ang isang drug personality matapos manlaban sa operasyon kontra mga otoridad sa Cotabato City.

Kinilala ni City PNP Director Col. Richard Fiesta sa panayam ng DXMY ang nasawing suspek na si Tohani Kamsa alyas Aras na nakumpiskahan pa ng 2 kilo na pinaniniwalaang shabu at may street value na 13.6 Million Pesos bukod pa sa caliber 45 pistol.

Isinagawa ang buy bust operaton sa Purok Aman, Biniruan, Poblacion 9 , mag-aalas 4 kahapon ng hapon.


Pinangunahan ng City PDEU, katuwang ang Marines at Station 2 ang naging matagumpay na operasyon.

Sa impormasyon ang napatay na suspek ay dati naring sumuko sa baranggay kasabay ng Oplan Tokhang.
Kap Jonas Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments