Drug Symposium isinagawa sa Brgy. Washington, Surigao City. Isinagawa ang Drug Symposium sa Brgy. Washington, Surigao City na kung saan ang espesyal na bisita ang Regional Director ng Phil. Drug Enforcement Agency ng Caraga Aileen Lovitos. Ayon kay Capt. Christopher Bonite ng Brgy. Washington, ang Symposium ang isinagawa sa pagpapalakas ng kampanya laban sa illegal na droga. Ito’y sa tulong ng PDEA, PNP, Brgy, LGU at ibang stakeholders. Tinukoy na noong Hunyo pa sinimulan nila ang mga pulong-pulong sa 40 na mga Purok sa Brgy. Washington sa pagbibigay impormasyon sa negatibong epekto ng illegal na droga. Ayon naman kay PDEA Regional Director Lovitos ito ang unang pagkakataon na nakadalo siya sa Brgy. Symposium. Diumano’y malaking tulong ang pagsasagawa ng Brgy. Clearing Operations sa kampanya sa illegal na droga. Kinilala nito ang tulong din ng PNP sa mga operasyon na isinagawa dito sa Surigao City. Ang Drug Symposium ang dinaluhan ng mga Purok Chairmen sa buong barangay kasama ang mga Brgy. Tanod, Lupong Tagapamayapa, Brgy. Health Workers, mga estudyante at residente ng Brgy. Washington.
Drug Symposium isinagawa sa Brgy. Washington, Surigao City.
Facebook Comments