Hindi umano mandatory o required ang pagpapa-drugtest sa mga kandidatong tumatakbo sa barangay at SK election, ito naman ang sinabi ng City Comelec Election officer Atty.Michael Ignes. Ganito rin ang pahayag ni City DILG Director Esmael Anwal,anya wala silang direktibang natanggap mula sa DILG national maging sa region patungkol sa pagpapa drugtest sa mga kandidato. Inihayag ni Atty.Michael Ignes, na maganda naman ang layunin ng pagdrugtest sa mga kandidato ngunit hindi nila saklaw ang pagsailalim sa drugtest ng mga kandidato dahil gahol na sila sa panahon. Maalalang nagsipagdagsaan sa CRMC ang mga kandidato dahil sa napabalitang mandatory drugtest sa mga nagfile ng COC’s..Samantala para naman sa PDEA-ARMM sinabi ng kanilang Director Juvenal Azurin na hindi raw mandatory ang drugtesting kundi request lang nila sa mga kandidato na kung pwede ay magpa drugtest sila upang malaman ng kanilang constituent na malinis ang kanilang record.
Drug testing sa mga kandidato, hindi umano require ayon sa DILG at Comelec
Facebook Comments