Bida sa dry run ang pagsasailalim sa simulation monitoring ng 13 units ng CLAVODTCo na mayroon nang GPS at AFCs installation.
Layon ng naturang aktibidad, ang makita kung paano ang sistema ng GPS at AFCs na isa sa mga kinakailangan upang makasama ang mga transport cooperative sa phase 3 ng Service Contracting Program ng gobyerno.
Sa ilalim ng SCP, binigyan ng tyansa ang mga operator at driver na kumita ayon sa bilang ng biyahe ng kanilang pasada kada linggo, may pasahero man o wala.
Tiniyak ni LTFRB Regional Director Edward Cabase na patuloy na gumagawa ng hakbang ang ahensya upang tugunan ang kailangan ng mga kooperatiba sa isinusulong ng pamahalaan na modernisasyon.
Samantla, magbibigay naman ng tulong ang pamahalaan sa mga transport cooperative na makakakumpleto sa kanilang requirement para sa SPC.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si CLAVODTCo Board of Director Pio Tabao sa suporta ng ahensya sa kanilang kooperatiba.