Dry run sa pagsasara ng Quirino bridge naudlot

Napostpone na naman ang gagawin dry-run sa pagsasara ng Quirino bridge sa portion ng Cotabato City at Sultan Kudarat maguindanao.
Sa panayam kay Maguindanao 1 District Engineering office Engr.Nasrodin Ibrahim, sinabi niya na tumawag ang DPWH Central office sa kanya na huwag muna ituloy ang 3 days dry-run dahil kailangan pang hintayin ang ordinance ng Sangguniang Panlungsod para sa rerouting na gagawin.
Ayon kay Engr.Ibrahim, posibleng sa ikatlong linggo ng abril gagawin ang closure dry-run ng Quirino brdige.

Facebook Comments