DSWD NAGPAMAHAGI NG MAHIGIT 300K PESOS SA FORMER REBELS

Mahigit 300,000 pesos ang ipinamahagi sa labing pitong former rebels (FRs) sa Baggao, Cagayan sa ilalim ng Livelihood Settlement Grant ngayong araw, Agosto 2, 2022.

Binigyan ng 20,000 kada indibidwal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 katulong ang 77th Infantry Battalion ng mga FRs bilang paunang tulong para sa kanilang nais na umpisahang kabuhayan.

Bago sila bigyan ng tulong pinansyal, sumailalim muna ang mga naturang indibidwal sa livelihood seminar sa rice/corn farming, hog raising, goat raising, fish production, buy and sell, and sari-sari store.

Nagpasalamat naman si LtC Magtangol G. Panopio, Battalion Commander of 77IB sa DSWD sa pagtulong para sa pagbabalik sa normal na buhay ng mga FRs.

Hinikayat din niya ang mga natitira pang miyembro ng mga komunistang grupo na sumuko na.

Ipinagpasalamat din ng mga FRs ang natanggap na tulong at nangakong gagamitin ang kanilang benepisyo para mapalago ang kapiling kabuhayan.

Facebook Comments