PEKENG DENTISTA SA CAMALANIUGAN, CAGAYAN, ARESTADO

Isang pekeng dentista ang inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camalaniugan, Cagayan noong Hulyo 31, 2022.

Ang suspek ay kinilala na si Vanice Arellano na nagpapanggap na isang dentista.

Siya ay naaktuhang nag sasagawa ng dental services sa isang pasyente na walang lisensya.

Ang pagkahuli kay Arellano ay nag-ugat sa isang reklamo ng malpractice mula sa dating niyang naging pasyente.

Nakumpiska mula sa suspek ang mga dental kits, at iba pang mga kagamitan ginagamit para sa dental services.

Si Arellano nahaharap sa paglabag sa RA 9484 o Act to regulate the practice of dentistry, dental hygiene and dental technology.

Facebook Comments