Recovery at rehabilitation ng Marawi City, tutukan ng ARMM government

Marawi City, Philippines – May panukala naman ang ARMM government para sa 3 phase recovery and rehabilitation plan sa Marawi City.

Ang nasabing plano ay ipa-finalize sa tamang koordinasyon ng city government ng Marawi at Lanao Del Sur Provincial Government.

Ang implementasyon ng nabanggit na plano ay kaagad na ipatutupad sa oras na matapos ang kaguluhan sa siyudad.


Ang plano ay tatawaging ‘Unified Plan For Marawi City’.

Ang recovery and rehabilitation initiative ay ihahanay sa umiiral na mga plano ng mga karatig bayan.

Pangangasiwaan ng joint leadership ng regional planning and development office at Marawi City Government ang plano kung saan gagamitin ang ‘build better now’ approach para sa mas mainam na pagpaplano at urban design.
DZXL558, Amir Sinsuat

Facebook Comments