EDSA busway, posibleng isapribado na rin ngayong taon

Plano na rin ng Department of Transportation (DOTr) na isapribado ng ang EDSA busway ngayong taon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautisa na inihahanda na nila ang terms of reference para sa privatization ng EDSA busway.

May kinuha na aniya silang consultant na gumagawa ng terms of reference at target itong tapusin sa unang quarter ng taon o pagsisimula ng 2nd quarter para sumalang na ito sa bidding.


Sa ilalim ng programa, ang pribadong sektor ang magbibigay ng mga sasakyan o isang klase lang ng bus at sila rin ang mag-o-operate nito.

Magkakaroon din ng electronic schedule tulad ng nasa airpot na nakikita ang schedule ng bawat biyahe na makikita rin sa applications.

Facebook Comments