MANILA – Bukod sa droga at kriminalidad kabilang din sa prayoridad na tututukan ni incoming President Rodrigo Duterte ang sektor ng edukasyon, kalusugan at agrikultura.Sa ipinatawag na presscon, sinabi ni Duterte mahalagang unahin ang mga ipinagako noong kampanya katulad ng pagtitiyak sa pagkain, pabahay at pagpapa-ospital sa mahihirap na pinoy.Partikular din sa mga usapin na gustong patutukan ni Duterte ay ang minahan sa bansa.Samantala… Umaasa naman si Duterte na magkakaroon ng pinal na peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).Sinabi rin ni Duterte na pupunta siya sa kampo ng npa sa bukidnon sa mga susunod na araw para pakiusapan ang mga rebelde na palayain ang mga bihag na pulis at sundalo.Plano rin Duterte na pumunta sa Sulu para makipagkita kay Moro National Liberation Front (Mnlf) founding Chairman Nur Misuari.
Edukasyon, Kalusugan At Agrikultura, Tututukan Din Ng Papasok Na Administrasyon Ni Duterte
Facebook Comments