*Cauayan City, Isabela- *Kinumpirma ni Ginoong Ramil Tuppil ng PAGASA DOST Isabela na malaki ang posibilidad na makaranas ng El Niño sa hilagang bahagi ng Luzon at Bicol ngayong taon.
Aniya, kasalukuyan na umano nila itong binabantayan sa ngayon at nasa animnaput limang porsiyento na umano na posibleng makaranas ng tagtuyot ang Northern Luzon at Bicol ngayong huling quarter ng taon.
Batay sa huling pagtaya ng PAGASA Isabela ay nasa below normal ang mararanasang pag-ulan dito sa sa ating lalawigan ngayong buwan ng Septyembre, Oktubre at Disyembre habang ang mga natitirang buwan naman ay makakaranas ng nasa near normal na pag-ulan.
Ayon pa kay ginoong Tuppil, Nararanasan umano ang El Niño phenomenom sa loob ng dalawang taon hanggang pitong taon subalit sa ngayon ay taon-taon na umano itong nararanasan.
Payo naman ni ginoong Tuppil na huwag umanong magsayang ng tubig at limitahan na ang paggamit ng tubig ngayong El Niño season.
Samantala, naranasan umano ang pinakahuling pinakamatinding tagtuyot sa bansa noong taong 2010 at 2011.