MANILA – Ibinulgar ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na isang inihalal na opisyal na gobyerno ang sangkot at may malawak na koneksyon sa ilegal na droga.Ayon kay Pangulong Duterte, kanya nang pinababantayan sa otoridad ang nasabing elected official kung saan may hawak itong pera na aabot sa anim na bilyong piso.Tumanggi naman ang pangulo ang detalye ng pagkakakilanlan ng opisyal, pero hindi aniya ito isang senador.Samantala, humingi naman na ng saklolo si Duterte sa Kongreso upang ganap nang mapagtagumpayan ang kampanya nito laban sa iligal na droga.Magugunitang kabilang sa mga isinusulong ng administrasyon na maipasa bilang batas sa kasalukuyang kongreso ay ang pagbabalik ng parusang bitay para sa mga nasasangkot sa krimen, korapsyon at iligal na droga.
Elected Official Na Sangkot Sa Ilegal Na Droga, Pinatitiktikan Ni Pangulong Rodrigo Duterte
Facebook Comments