Kinumpirma ni Naga City mayoral candidate Fortunato “Tato” Mendoza na talagang kinausap niya noon si incumbent City Councilor Nene De Asis. Ipinaabot ni Tato na si De Asis ang nais niyang maging running mate bilang vice mayor ngayong midterm elections.
Ang proposal ni Mendoza ay hindi nagkaroon ng katuparan matapos na maagapan ng grupo ni mayoral candidate at incumbent Vice Mayor Nelson Legacion ang bagay na ito kung saan nahikayat siya na maging ka-tandem na lamang ng huli bilang vice mayor.
Sinabi pa ni Mendoza na noong panahong iyon halos tuloy na ang pagtakbo ni De Asis bilang mayor ng Naga City, samantalang may balita rin na si Legacion ay kinukunsidera si Konsehal Ray-An Rentoy na magiging running mate kung hindi makakabilang si De Asis sa linyada.
Nang magkaroon na ng desisyon na pupunta sa panig ni Legacion si De Asis bilang running mate sa pagka vice mayor, nagdesisyon si Mendoza na hindi na lamang maglalagay ng vice mayoral candidate, sa halip, inilunsad na lamang nila ang grupong Team Tato – TM SMART – Tato Mendoza, Sergio, Macaraig, Rocco at Tuazon.
Samantala, Team Naga naman ang grupo ni Legacion na kinabibilangan ng sumusunod: Legacion – mayor, De Asis – vice mayor at councilors Abonal, Arroyo, Baldemoro, Castillo, Del Castillo, Del Rosario, Lavadia, Perez, Rañola at Rosales.
Sa iba pang developments, may mga grupo naman na nagtutulak umano ng Tato Mendoza-Nene De Asis para sa pagka-alkalde at bise alkalde ng Naga City.
Nang tanungin si Mendoza ng kanyang reaction tungkol dito, sinabi niyang wala naman siyang magawa kundi pasalamatan ang grupo at masaya siya kung ito ang kagustuhan ng mga tao.
Election 2019 sa Naga City – Team Naga VS Team Tato – TM SMART (May Tato-Nene Move Ba?)
Facebook Comments