Kalibo, Aklan— Nagpatawag ng special meeting kahapon si Brgy. Kapitan Niel Candelario ng Poblacion Kalibo para mapag usapan ang paghahanap ng karagdagang quarantine facility ng brgy. Pinag-usapan aniya ang magiging problema kung sakaling dumami ang kaso nag COVID 19 sa bayan dahil limitado sa ngayon ang available na pasilidad. Dagdag pa nito na nakapagtalaga na sila noon ng mga pasilidad ngunit para ito sa returning OFW at LSI para matulungan ang LGU. Kasunod umano ng pagquarantine sa isang pamilya na nagkaroon ng simtomas ang isang myembro nito na nagtatrabaho sa isang ospital sa bayan ay kailangang madagdagan ang mga quarantine facility. Iniisip umano nila na sa oras na mapuno ang mga ito ay magkakaroon na ng problema kung saan ilalagay ang iba pang inibidwal. Nanindigan rin si kapitan Candelario na kailangan 1 step ahead sa sitwasyon ang buong konseho sa kanilang mga hakbang na gagawin. Sa kabilang dako pina igting rin umano nila ang kanilang information desimination sa kahalagahan ng pagsuot ng facemask at social distancing. May Brgy. Ordinance rin umano sila tungkol sa mandatory wearing of faceshield ngunit hindi pa ito maimplement dahil hindi pa tapos ang deliberasyon sa sangguniang bayan.
Emergency meeting isinagawa ng Poblacion Kalibo Brgy. Council tungkol sa paghahanap ng karagdagang quarantine Facility
Facebook Comments