EMPLEYADO NG 29 KOMPANYA SA AKLAN HINDI MAKAKATANGGAP NG P5,OOO CASH ASSISTANCE, DOLE HUMINGI NG PAUMANHIN

Kalibo, Aklan – Humihingi ngayon ng paumanhin at pag intindi ang Department of Labor and Employment sa mga empleyado na hindi makakatanggap ng cash assistance mula sa 29 kompanya sa lalawigan ng Aklan ito’y dahil naubusan na sila ng pundo.
Ayon kay DOLE regional director Cyril Ticao, nagpadala na umano sila ng notisya sa mga apektadong kompanya para ipaalam sa mga ito, na ang kani-kanilang COVID Adjusment Measures Program CAMP Applications ay hindi na tinanggap ng nasabing ahensiya dahil ang P1.6 billion na pundo para sa nasabing programa ay paubos na.
Ang pwede aniyang gawin ng mga kompanya na hindi nakatanggap ng CAMP aid ayon kay Ticao, ay humingi na lamang ng tulong sa ahensiya ng gobyerno kagaya ng Department of Finance Small Business Wage Subsidy bago ang April 30, 2020 at baka may maibigay pang tulong ang DOF sa kanila.
#TatakRMN <www.facebook.com/hashtag/tatakrmn?source=feed_text&epa=HASHTAG&__xts__%5B0%5D=68.ARCfagM3Rmnb4Bw147__n7cMYi7AMaTemE35K7zYEFTdP9t4ET72g0lB96PR2lfMEgvzdlUn_r8wVxKqjlGpM5E60lYohlZ6HqrQ9P3o64ej2WWNRkJL…>

Facebook Comments