Empleyado ng Kamara na tinamaan ng COVID-19, 40 na!

57

Pumalo na sa 40 ang bilang ng mga kawani ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagpositibo sa COVID-19.


Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, isang babaeng congressional staff ang pinakabagong kaso.

Huli aniya itong nagtungo sa Batasang Pambansa Complex noong March 11.

Nagkaroon ang empleyado ng sintomas ng nakamamatay na sakit matapos mag-alaga sa kaanak na nauna nang nagkaroon ng COVID-19.

Facebook Comments