ENDOSCOPY & COLONOSCOPY | PRRD, inaming nagtungo sa Cardinal Santos Hospital

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim siya sa ilang pagsusuri sa Cardinal Santos Medical Center noong araw ng Miyerkules.

Sa kaniyang talumpati sa dinner with PMA Alumni Association sa MalacaƱang, sinabi ng Pangulo na isang oras siyang nanatili sa ospital para sumailalim siya sa ilang pagsusuri.

Aniya, kabilang na rito ang pagsasailalim niya sa endoscopy and colonoscopy.


Bagaman hindi pa niya alam ang resulta ng kanyang mga test tiniyak ni Duterte na kapag cancer ang kanyang sakit ay agad niya itong ipaalam sa publiko.

At kapag nasa stage 3 na aniya ang cancer ay hindi na siya magpapagamot para hindi na magtagal ang kanyang agony o hirap sa kanyang tanggapan.

Una nang napaulat noong Miyerkules na isinugod sa ospital ang Pangulo matapos siyang hindi sumipot sa aktibidad ng PAGCOR sa MalacaƱang.

Facebook Comments