ENGKWENTRO | Isang sundalo, sugatan sa nangyaring bakbakan sa Leyte

Leyte – Sugatan ang isang sundalo matapos makipag-bakbakan sa mga rebeldeng grupo sa Barangay Mahilum, Hindang, Leyte.

Sa ulat, naka-engkwentro ng mga miyembro ng 78th Infantry Batallion (IB) ang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naturang lugar.

Nakilala ang sugatan na si Corporal Serafin habang hindi pa malaman ang bilang mga casualty sa makakaliwang grupo.


Patuloy naman ang operasyon ng militar para matunton ang pinagtataguan ng mga rebelde.

Facebook Comments